friends

Reminiscing the 2010 memories with Butterfly Ladies

It’s been a year since I got to see some of my BL friends and I’m missing them so much.
January 2010) After the dinagyang fireworks display
 
February 2010) Invading San Ag on their foundation day
It was my first time to set foot on their campus and I enjoyed the experience especially the food trip.
(June 2010) Waka waka fever didn’t pass without hitting us.
Yeboi! we did it with our self-made costumes. Fabulous indeed!
(August 2010)One of our crazy brown out moments.
October 2010) We were strolling around cpu while planning for our Guimaras excursion for the next day.
(October 2010)Breathing some fresh air at reymen’s resort alubihud guimaras city escape indeed!
(November 2010) Attended the Sunday service at Center of grace
(December 2010) We attended the mass at St. Clements Church
(December2010) Night out at Lumpiga, courtesy of Kuya Ton. It was like a despedida for ate Karen coz she’s leaving for Manila the following day.
 
personal

Wish

I wish someone just one in this world will be able to understand what I feel, someone who will comfort me, someone who will make me feel pure special, someone who will give me importance,, someone who is willing to give time just to know the real me regardless of my moodswings, someone who knows what I feel even without saying a word, and lastly I wish that someone exists
personal

You’re so stubborn Mr. God!

Because of YOU’RE STUBBORN LOVE I’m still holding on….
I’m on the verge of giving up I even planned of ending my own life, but  you’re so stubborn that you didn’t leave me for a moment…. yes, You never give up on me Mr. GOD.
Superb ka Mr. God! Ikaw na talaga wala nang iba… Wala akong laban sayo sa patigasan ng ulo. Mas pasaway ka talaga. Umaayaw na ako, pero ikaw lalong nagmamatigas. Di na nga kita kinakausap at pinapansin pero lagi mo naman akong kinakausap at nireremind sa pamamagitan ng mga bagay na nakapaligid sa akin. Nariyan na ako sa mapanganib na sitwasyon na maari kong ikapahamak pero nililigtas mo pa rin ako. Magpapakamatay na sana ako noon, pero pinigilan mo pa ako… Handa na ang lahat noon pero gumawa ka talaga ng paraan para di matuloy. Ayoko nang umasa pero nilalagay mo pa rin ako sa sitwasyon kung saan maari pa akong umasa. Nang minsang magkasakit ako, ang saya.saya ko kala ko katapusan ko na pero pinagaling mo pa ako. Iniiwan na kita pero hinahabol mo pa rin ako. Pinagtataguan na kita pero hinahanap mo pa rin ako. Ang dami kong kasalanan sayo pero pinapatawad mo pa rin ako. Ayoko nang ngumiti pero binibigyan mo pa rin ako ng rason para ngumiti. Sumusuko na ako pero patuloy mo pa rin akong binibigyan ng rason upang wag sumuko. Tigas rin talaga ng ulo mo Mr. God.
Lahat na lang ginawa ko para takasan itong sitwasyon kung saan ako naroon. Pero salamat na rin dahil sa katigasan ng ulo mo heto pa rin ako patuloy sa buhay na pinahiram mo. Kapal ng mukha ko noh? Para gawin yun. Sino nga ba ako para gawin ang mga bagay na yon? Tapos minsan ang proud ko pa, may mga bagay kang ginagawa through me pero nakikita ko ang mga yun as mine. Di naman talaga ako deserving sa pagmamahal mo pero ikaw tong makulit at patuloy na nagmamahal sa akin… Pero Mr. God wag kang magsawa ha, ikaw lang kasi ang meron ako. Di mo naman siguro ako kukulitin nang ganoon kung di mo ako mahal at kung wala kang plano para sa akin. Tulungan mo po akong makita ang mga bagay na gusto mong makita ko at gawin ang mga bagay na gusto mong gawin ko. Turuan mo na rin po akong maging malakas at matutong maghintay. Kung susuko man ako sa buhay, ikaw na lang po ang bahalang magbigay ng rason para ipagpatuloy ito. Maraming salamat po dahil sa iyong  STUBBORN LOVE meron akong reason upang mag.hold on….