personal

TAGA SICUD KA BA?

Itatype ko ang type kong itype
Ang gagawin mo lang naman ay basahin ito, kaya wala kang karapatang magreklamo! At kapag sinimulan mong basahin to dapat tapusin mo or simply stop there and don’t go beyond this lineKUHA MO?
Kahit malayo ang Sicud sa kabihasnan at walang electricity. Proud ako sa lugar na kinalakihan ko. Matagal na rin akong naninirahan sa lungsod pero may pagka “baryotik” pa rin ako at di ko ikinahihiya yun. Sa totoo lang hanggang ngayon di pa rin ako marunong tumawid, at takot ako sa lugar na maraming tao. Pag nasa ibang lugar ako, hinahanap ko ang “ambiance” ng Sicud, sariwang hangin, sariwang isda, sariwang gulay at prutas. Maraming puno, magagandang palayan. Para sa akin mas gusto kong manirahan doon. Ilang beses ko nang nasalubong ang tanong na “kung ikaw magtayo ng bahay saan ka sa city o sa bukid?”  at ang paulit-ulit kong sagot sa Sicud, maliban sa may bahay na nga kami doon gusto ko talaga manatili doon, sa totoo lang di naman talaga bukid ang sicud.Unti-unti na rin itong umuunlad. Kaya di ko maintindihan ang ibang taga-amin pinipilit na pumunta sa lungsod. Di ko po sinasabing wag pumunta sa siyudad, una sa lahat kelangan rin nating magtrabaho sa ibang lugar para umunlad ang buhay. Lalo na kung alam naman nating di tayo uunlad kung manatili lang tayo sa sa ating lugar.Ang napansin ko lang, at madalas na mangyari ay, kapag nakapasyuadad na ang iba at nakabalik uli sa baryo astang alien na.  Ang ibig ko pong sabihin sa “alien” ay kala mo kung sinong turista kaso halata namang trying hard. Nagmumukang ewan tuloy. Di ko naman sinasabing wag makisabay sa kabihasnan, mabuti nag yung makisabay ka para di ka napapag-iwanan. Pero wag naman yung astang “trying hard”, kumbaga huwag ipilit sa sarili na maging isang “ganito” dahil una sa lahat hindi ka naman talaga ganun. Halimbawa na lang, kapag nasa plaza o nasa palengke ka o kahit saang lugar na alam mong may ibang nakakarinig sayo, mag-i.english2x ka, may pa-slang.slang pa, ang kaso baluktot naman at wrong grammar pa. O diba mas nakakahiya. Pwede namang tagalog o kung ano man ang dialect nyo atleast nagpapakatotoo ka at di ka pa napahiya. Minsan naman astang mayabang, yung pag nakasalubong mo di ka papasinin parang walang nakita, na dati mo naman siyang kalaro.Di masama ang magyabang lalo na kung may maipagmayabang ka nga, pero di dapat sobrahan dahil nagiging “oa” at wag naman yung astang perpekto na akala mo sa sarili mo sayo na lahat, na ikaw ang pinakamataas at alam mo lahat. Isipin mo may mga taong asar sa mga mayayabang at iwasan mong maasar sila sayo. May iba naman nakapagtrabaho sa ibang lugar pagbalik astang mayaman na, walang problema kung yumaman ka nga. Ang kaso hindi naman, tandaan mo “ ang  amo mo ang mayaman hindi ikaw” kaya wag mo silang magaya-gaya.Kuha mo?
 Mga ayaw ko sa Sicud
1. Mga tao– (be specific judgemental na mga tao kasama na dyan ang mga tsismoso at tsismosa)
Unahin natin ang mga tsismoso at tsismosa, para sa kaalaman ng lahat marami sa Sicud nito at walang pinipili may pinag-aralan o wala, at kahit naninilbihan sa simbahan may ugaling ganito. Wala rin silang pinipiling itsismis bata o matanda may ngipin o wala basta trip ka nilang pag-usapan kahit maghapon pa silang magkwentuhan hanggat di nauubos ang pag-uusapan di ka nila tatantanan. Ganyan sila kalupit. Wala rin silang pinipiling lugar para magtsismisan, meron sa paaralan( ito yung mga guro na bitter sa buhay) sa simbahan (mga nagkukunwaring banal) at kahit sa sementeryo basta may pagkakataon magtisismisan sila. Pero ang mga fulltime tsismoso at tsismosa ay madalas matagpuan sa waiting shed sa plaza, sa palengke, at sa harap ng mga tindahan na may mga upuan at pwedeng tambayan. Ang sa akin lang, sana imbis na pag-usapan nila ang buhay ng ibang tao bakit di nila sariling buhay ang asikasuhin. May mapapala pa sila. Maraming magawa sa maghapon, pwedeng maglinis ng bahay, magtanim ng gulay, alagaan ang mga anak, kesa umupo maghapon at pag-usapan ang buhay ng ibang taong di naman sila pinakikialaman. Tapos ang di nila alam ang madalas na kasama nila sa pagtitsismisan ay itsinitsismis rin sila sa iba, hayun ang masakit na katotohanan.
Sa mga judgemental naman tayo, sila itong mga feelingera at feelingero akala nila sa sarili nila mga perpekto sila at di nagkakasala. Astang nagmamarunong ang mga to, di pa nila alam ang buong kwento may conclusion na agad silang nabuo. O diba genius? May kilala ako teacher sa highschool at kahit pilitin nyo ako di ko sasabihin ang pangalan nito. Nakilala ko sya sa pagiging ganito kasi nabiktima nya ako.. si insan ang nagkwento sa akin. Ganito yun, may closefriend na teacher si insan minsang nagkita sila, naikwento ni teacher friend sa kanya na may nasabi sa kanya ang isang co-teacher nya tungkol sa akin na medyo maganda. Syempre kwento rin si insan sa akin, ano pa’t naging pinsan ko sya. Natawa lang ako sa story na naimbento pero mas natawa ako sa teacher na to ooopssss END OF STORY!_ sorry hanggang doon lang ang pwede kong i-share. Saka na lang pag sipagin uli akong magtype. Minsan pa akong nabiktima ng mga feelingera at mga feelingero, masaklap nito kasi ang mga taong tinitingala ko at tinuring na mga kaibigan sila pa ang may kagagawan. At sa nangyaring yun naitanong ko sa sarili ko dapat ko pa ba silang igalang?>sigh<’ Sige na nga share ko. Sa simbahan to, ano nga bang meron sa simbahan? Ah, mga banal na aso I mean tao. Eh may pagkahyper ako pag praise and worship di maiwasang mapa-indak pero di naman sobrang indak na parang nasa disco. Sakto lang naman yung sa akin clap’clap ng hands sabay konting galaw ng body. di lang naman ako, actually may kasama naman. Hayun at napansin pa rin kesyo raw pag nasa ibang lugar nagdidisco at kung ano yung natututunan sa labas dinadala raw sa simbahan. At marami pang silang napansin. Funny lang, F.Y.I. di pa po ako nakapasok ng disco house, minsan lang ako nkapag.night.out kung night out ngang matawag yun, nanuod lng ng live band sa isang bar and take note 2 shots lang ako ng piñacolada as if sobrang nakakalasing yun. Di ko po sinasabing di ako umiinom dahil umiinom naman po talaga ako, pero alam ko kung hanggang saan lang ako at pinipili ko ang mga kasama ko. Akala mo kasi kung sino silang banal na magsalita ng ganun na wala nga silang alam ang bilis nilang magjudge. Bakit kasi unahin pang pansinin ang ibang tao lalo na ang mga pagkakamali, sana ang unang makita nila ay ang mga sarili nila ang mga apo o anak nila. Sino kaya ang nabuntis at nakabuntis ng di pa kasal?  Sino ang maagang nag-asawa dahil yun nga nakisabay sa “mapusok na world”. Naturingan pa namang “KRISTYANO” kuno. Ano yun “Christian” lang sa salita? Ang totoong anak ng Diyos nakikita yan sa Buhay nya at di lang sa bunganga. Hayan tuloy nakakain ang sariling salita. At bawal pala yung maging “lively” sa pagsamba sa Diyos. Saang verse sa bible naman kaya makita na bawal yun? Hai mga tao talaga, kaya minsan ang simbahan nagiging “law of man” imbis “law of God” ang umiiral. May mga non protestant friends ako ang sentiments nila “ang mga Baptist raw feeling mga perpekto, akala sa sarili sila lang ang may diyos at sila lang ang tama” agree naman ako sa sinabi nila. Dati super active ako sa mga church activities sumasama ako sa mga camp kahit di pinapayangan pinipilit ko sila mama, sa ngayon di na masyado kahit may pagkakataon. Dahil na rin nga sa mga nangyari, yun nawalan ako ng gana, alam kong mali ito di dapat ako nagpapadala sa mga nakikita  ko, in the first place di naman sila ang sinasamba ko kundi ang nasa taas. Ngunit sadyang di maiwasang isipin ang mga bagay na di dapat isipin tuwing pumapasok ako sa simbahan, parang lalo lang akong nagkakasala. Sa akin lang mas mabuti pang manatili nalang ako sa bahay, wala namang pinipiling lugar at oras ang pagsamba. Di ko sinasabing banal ako dahil hinda naman talaga at marami akong pagkakasala. Di  ko rin kayang ipagmalaki sa ibang tao ang aking “faithfulness” kay God, dahil alam ko sa sarili ko hindi ganun ka-strong ang pananampalataya ko. Pero parati kong ipinagmamalaki ang pagmamahal ni God sa akin dahil  alam kong kailanman di yun magbabago.  Alam ko sa sarili ko na may mga pagkakataong nagiging judgemental rin ako at alam kong di tama yun kaya hanggat maari iniiwasan kong maging ganun. Huli sa lahat, opinyon ko lahat ng naitype ko walang kinalaman ang ibang tao lalo na ang pamilya ko dahil kahit sa kanila minsan naaasar rin ako. Lahat ng nasabi ko ay nagmula sa sariling bulsa koat ang gulo ko.
2. Wala pong number two maliban po sa una kung nabanggit wala na po akong maisip na kaaayawan ko sa sicud.
Conclusion: Di ko po alam kung bakit proud ako na taga sicud ako.Parang wala naman talagang bagay na pwedeng maipagmalaki ng sobraPero basta ganun yun at babalik at babalik ako sa lugar na pinanggalingan ko .
Advertisements
personal

Cruel to be kind!

I don’t think I need to be cruel truly, the point is that sometimes I have to be harsh so that some people would understand what I have to say. I need to tell them things that are unpleasant to hear. I can’t always be nice; I can’t always be a ‘yes’man.  Because sometimes being hard on someone is what they need in order to help them realize that they’re wrong and I think it will help them in the future.